Monday, August 8, 2011

"SI P-NOY PARA SA MGA PINOY"


Hindi lingid sa ating lahat na kaya lamang tumakbo si P-noy bilang pangulo ay dahil sa kagustuhan ng masa na maipagpatuloy niya ang naumpisahan ng kanyang mga magulang, at hindi nga nabigo ang mga mamamayan naihalal nga si P-noy bilang pangulo.
          Sa unang taon ng kanyang panunungkulan maraming mga isyu ang mga ibinabato sa kanya, at isa nga rito ang sinasabi ng lahat na hindi daw maganda ang kanyang panunungkulan bilang pangulo ng Pilipinas.Ngunit bakit napakaaga naman ata para hatulan natin ang ating pangulo gayong nakakaisang taon palang siya sa kanyang panunungkulan?Marahil siguro’y hintayin pa natin ang ilan pang mga taon upang mapatunayan niya ang kanyang mga pangako sa ating inang bayan.
          Hindi lingid sa ating kaalaman na marami narin naman siyang nagawa sa ating bayan, isa na nga rito ang pakikipagusap niya sa mga MILF, ang pagdaragdag ng taon para sa sekondarya at sa elementary para makasabay sa ibang bansa sa larangan ng edukasyon. Kaya naman huwag muna nating husgahan an gating pangulo sapagkat napakaaga pa para sa kanyang panunungkulan.

Ang Awit ng Buhay

"SAMPUNG TAON MULA NGAYON, HETO NA AKO!"

       
Paglipas ng sampung taon sino nga ba talaga ako????? Sa dinami dami ng aking pangarap hindi ko mawari kung sino na nga ba ako sa mga susunod na sampung taon ng aking buhay, ngunit sa lahat ng aking pangarap may isang natatangi na nais kong matupad at ito nga ang pagiging matagumpay pagdating sa larangan ng Information Technology at marahil nasa ibang bansa na rin ako at nakikipagkompetensiya sa mga hinahangaang tao pagdating sa larangan ng Information Technology.
 Paglipas din ng sampung taon ay marahil isa na rin akong ina na may dalawang anak at mabuting may bahay ni John Benedict Salapare sapagkat naniniwala ako na matatawag lamang na matagumpay ang isang tao kapag nagkaroon na siya ng sariling pamilya. Paglipas din siguro ng sampung taon naipagawan ko na rin ang aking mga magulang ng bahay na kanilang pinapangarap at napagtapos ko narin lahat ang aking mga kapatid.
Yan lang ako paglipas ng sampung taon sapagkat ako ay simpleng tao lamang na may simpleng pangarap sa buhay.




Si Crush


SDC10664.JPGSi Crush
          Ang aking crush ay hindi lang basta aking crush sapagkat siya rin ay aking kasintahan. Hinahangaan ko siya sapagkat diterminado talaga siya
ng abutin ang kanyang mga pangarap at talaga naming may pangarap sa buhay. Naging crush ko siya dahil sa tagal ng aming pagsasama sapagkat sa tinagal namin mas lubos kong nakilala ang kanyang pagkatao. Hinahangaan ko siya sa kanyang lubos na paggalang sa kanyang mga mahal sa buhay lalo na ang kanyang mga magulang. Isa rin sa pinakahinahangaan ko sa kanya ay ang diterminasyon niyang makapagtapos sa pag – aaral sapagkat ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maipakita lamang sa kanyang mga magulang na nagpupursige siyang makatapos. Isa rin sa pinakahahangaan ko sa kanya ay ang galling niya sa babasketball, iba na kasi ang dating niya kapag siya ay nagbabasketball, pakiramdam ko para akong nanunuod sa NBA. Iba nga talaga siya para sa akin hindi lang dahil sa kasintahan ko siya kundi dahil sa mga ipinapakita niyang pagsisikap upang maabot niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Yan si crush si, John Benedict Salapare. May pangarap at diterminasyon sa buhay kaya naman hindi ko napigilang mahalin at hangaan siya.

Ako ay Isang Bagay


         Ang bawat isa sa atin ay may kanya – kanyang katangian, at ang mga katangiang ito ay maari nating ihambing o ihalintulad sa isang bagay mga bagay namay onting pagkakahawig sa mga kilos o sa mga katangian natin. Kaya naman ako? inihahalintulad ko ang aking sarili sa isang pares ng sapatos, sapagkat ako ang isang sapatos at ang isa naman ay ang mga mahal ko sa buhay. Pares ng sapatos sapagkat nangunguhulagan lamang ito na hindi ako makukumpleto kapag wala ang aking mga minamahal sa buhay, at hindi ako maaaring pakinabangan ng iba kung wala ang aking mga inspirasyon sa buhay na siyang nagpapalakas at nagpapatibay sa aking kalooban sa pangaraw – araw. Pares din ng sapatos sapagkat naniniwala ako sa aking kakayahan na balang araw ako ang magdadala sa aking pamilya tungo sa magandang buhay, Tulad din ng sapatos na pomoprotekta sa paa ng mga tao, ako rin ang pomoprotekta sa aking mga mahal sa buhay upang walang sino man ang siyang makasakit sa kanila.
          Yan ako isang pares ng sapatos sapagkat kung wala ang mga mahal ko sa buhay marahil wala rin ako sa kung asan man ako sa ngayon.