Ang pamilya ang bumubuo ng ating society, Ngunit para sa akin ang aking pamilya ang bumubuo ng aking pagkatao, sapagkat ang aking pamilya ang nagbibigay sa aking ng lakas upang maisakatuparan ko ang aking mga pangarap.
Ang aking ama ay si Joseph Salimbay, Genie Salimbay ang aking ina, Sina Mark Joseph Salimbay, April Joyce Salimbay at Joseph Salimbay JR. naman ang aking mga kapatid, at si John Benedict Salapare naman ang aking kasintahan. Sila ang mga itinuturing kong pamilya sapagkat nariyan lamang sila sa tuwing sila ay aking kailangan, sila rin ang una kong pinupuntahan kapag ako ay may problema at sila din ang unang nakaaalam kapag ako ay masaya. Masaya ang aming pamilya. Kahit na nasa ibang bansa ang aming ama para parin naming siyang kapiling sapagkat lagi siyang tumatawag dahil ayaw niyang lumayo ang loob naming sa kanya. Palagi kaming naaguusap-usap, at palagi naming sinasabi sa isa’t isa na mahal naming ang isa’t isa sapagkat ang gusto naming ay lumaki kami ng may pagmamalasakit sa isa’t isa. Ngunit bawat isa sa atin ay hindi perpekto kaya naman sa pamilya ay hindi maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Nariyan ang tampuhan, nariyan din ang pagkakagalitan, ngunit sabi nga ng iba walang problemang hindi maaayos basta’t pinaguusapan ng maayos.
Ang aking pamilya ang aking sandigan sa bawat problemang aking kahaharapin at ang aking pamilya ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa Panginoon sapagkat ibinigay niya ako sa pamilyang mamahalin ako ng lubos maging sino at ano man ako.