Sunday, July 24, 2011

Tungkol sa Sarili

Masungit, mataray, pikon, suplada, yan daw ako sabi ng iba, ang iba ay nagsasabing ako raw ay, mabait, mapagmahal, masunurin. Ngunit sino nga ba ako??????Marahil ang aking katanungan ay wala ng ibang makasasagot kundi ako lang din…
Ako si Ma. Arian A. Salimbay, o mas kilala bilang “yanie”.Ako’y labinpitong taong gulang na at kasalukuyang kumukuha ng kursong Information technology sa Central Luzon State University. Ako’y isang simpleng tao lamang, may simpleng pangarap at may simpleng pamumuhay. Bawat isa sa atin ay may mga natatanging paguugali, Gaya ko, ang akala ng iba masungit ako, mataray pikon, suplada pero ang hindi nila alam palabiro pala ako at pala tawa. Marahil kung paminsanminsan tama sila sapagkat  wala naming taong perpekto, gaya rin ng iba ako rin ay may mga kahinaan. Ang pinaka kahinaan ko sa lahat ay ang aking pagiging iyakin, hindi ko alam kung bakit pero madali akong umiyak pilit kong binabago ngunit hindi ko magawa. Mapagmahal? Masunurin? Yan nga ako sapagkat wala na akong ginawa kundi sundin ang mga taong minamahal ko at mahalin ang mga taong nagbibigay ng kahulugan sa buhay ko.
Ang iba pa na tungkol sa sarili ko ay ang aking mga kinahihiligan. Kinahihiligan ko ang pagluluto at ang isa sa aking mga paboritong iluto ay ang ginisang corned beef na may itlog sapagkat iyo ay paborito ng aking ama. Kinahihiligan ko ring manuod ng telebisyon pag wala akong takdang aralin. Mahilig din akong kumain ng kung ano-ano pag wala akong masyadong magawa. Mahilig din ako sa mga sapatos at mga dress. Paborito ko ang kulay asul at ang kulay ng ulap. 
Ang mga tunay na nagmamahal sa akin ay tatanggapin ako kahit na sino man ako, masama o mabuti man akong tao. 

No comments:

Post a Comment